Pananalita ng Panauhing Pandangal.
Kgg. Ambeth R. Ocampo
(Tagapangulo Pambansang Suriang Pangkasaysayan
Note: The topics discussed were delivered in the Filipino language, for this reason please allowed me to discuss the report in the Filipino Language. Moreover, the association sponsoring the conference advocated Filipino specifically “tagalog” as the medium for the conference.
Nagsimula ang Ika-20ng Pambansang Kumperensya sa Kasaysayan at Kalinangan sa ganap na ika 9:00 ng umaga. Ang pambungad na pananalita ay ginampanan ni Dr. Nilo S. Ocampo, (Pangulo ng ADHIKA), si G. Ryan Ralad (Manager, GSIS Museo ng Sining) ang nagbigay ng pagtanggap na pananalita at pagpapakilala ng kalahok at Oryentasyon at si Kgg. Ambeth R. Ocampo, (Tagapangulo, Pambansang Suriang Pangkasaysayan) ang siyang panauhing pandangal.
Ang susing pananalita ay may pamagat na “Institusyon at Ekonomiya: Paanyaya sa mga Ekonomista at Istoryador” na ipinaliwanag ni Dr. Emmanuel S. de Dios. Ayon sa kanya ang bunga ng pagsikat ng “Bagong Institusyonalismo” (new institutional economics) nina Douglas North (1976,1991) at iba pa ay hindi na maitatwa ng mga ekonomista dahil sa malaking impluwensya ng batas, politika, kultura, ideolohiya at paniniwala sa pag-unlad ng lipunan- na pawang nakaugat sa nakaraan. Hudyat ito ng panibagong interes sa panig ng dumaraming ekonomista na hanapin sa kasaysayan ang sagot sa napakatanda ngunit napakahalagang tanong: ano ang mga sanhi ng pag-asensong material ng ibang lipunan, habang ang iba’y nababalam o nalulugmok sa kahirapan? Samantala, iminumungkahi dito ang ilang susing paksa halimbawa teknolohiya, populasyon, pormal na batas, di-pormal na tuntunin at asal, mga uri ng organisasyong sibika at metodikong direksyon (individualismo, mga kosto ng transaksyon, ekonomiyang pulitikal upang matugunan ang hamon ng pagbabalangkas ng bagong ekonomikong istoryograpiya para sa Pilipinas.
Ang sumunod na taga-pagsalita ay si G. Jaime B. Venerascion ang kanyang paksa ay may pamagat na “Pangingisda at Palaisdaan sa Pilipinas”. Ang kanyang paksa ay tumalakay sa kalakaran sa mga lupain tulad ng usapin ng pagmamay-ari na maaaring nagaganap din sa mga pangisdaan at palaisdaan? Ipinakita niya na pareho ang proseso ng pangisdaang pangkomunidad na nasa pamamahala ng katutubong nobilidad at napasakamay ng mga “cofradia” noong ika-16 na dantaon. Ang “katutubong nobilidad”(angkan nina Tupas, Lacandola at Soliman) ay binigyan ng “fuero” na gumagarantiya sa legalidad ng pagmamay-ari ng mga katutubo na dinatnan ng mga mananakop. Kaya’t ang mga unang donasyon at indulhensiya sa mga cofradia at capellania ay mula sa mga “katutubong nobilidad na ito. Samantala, may indikasyon nang pagbabago ng patakaran sa paggamit ng baybay dagat noong huling bahagi ng ika-18 dantaon.Pinairal ang subasta ng pangisdaan o “subasta y arbitrio de pesqueria” sa Espanyol at buwis sa pagbabaklad.Nagkaroon ng pagtutol ang mga nangingisda sa Malabon at Navotas, dahil labag diumano ang bagong patakaran sa “fuero comun” na iginawad ng hari noon pang ika-16 na dantaon.Sa kasalukuyan, “piskeria” ang tawag sa lisensyang ibinibigay ng mga munisipyo sa pangingisda sa ilang lugar (Bolinao, Pangasinan, at Batanes) bagamat ang kahulugan ng “pesqueria” sa wikang Espanyol ay pangingisda at hindi buwis o lisensya.
“Kabuluhan ng ika-18ng Siglong Ekonomiya sa ika-19 na Siglong Pagbabagong Panlipunan. Ayon kay G. Ferdinand C. Llanes, noong unang panahon isinasangguni sa relihiyon ang pagbagsak ng ekonomiya sapagkat sinasabing mahina sa panamampalataya kung babagsak ang ekonomiya. Ngunit, nagbabago ang pananaw na ito. Halimbawa ang hari ay maaaring makaimpluwensya sa pag-unlad ng ekonomiya.
Sa huli, inilahad ng presentasyon ang mga pangunahing tunguhing pang-ekonomiya noong ika-18 siglo, Tinukoy nito ang mga pagbabagong ibinunga o iniudyok nito sa lipunang kolonyal.
Sabayang Sesyon A.
Ang paksa na inilahad ni G. Lino L. Dizon ay may titulo na”Si Jose Felipe
Si Jose Felipe del Pan ang unang patnugot ng Diario de Manila, at isa sa kanyang pablikasyon ang Revista de Filipinas. Siya rin ang humihikaya’t sa local na paglalakbay o local travel.
Ayon pa sa kanya ang ekonomiya ng Pilipinas sa ika-19 ng dantaon ay pokus sa kalakalan at pamumuhunan ng mga Ingles. Binigyan din niya ang paglago ng ekonomiyang “cash-crop”, pagtaas ng produksyon at pagluluwas ng piling produktong agricultural (asukal, abaca, kape, tabako). Samantalang, noong 1901, tatlumpo hanggang apatnapu ang kabuuang kalakalang panlabas ng Pilipinas. Bilang konklusyon, hindi itinuturing na kolonial na ekonomiya ang Pilipinas dahil hindi hawak ng Espanyol ang negosyo sa Pilipinas at mismong ang Espanyol ang umaamin na hindi nila kayang baguhin ang kolonial na ekonomiya.
Partikular na tiningnan ng presentasyon ang naging participasyon ng mga Ingles sa kolonyal na ekonomiya lalo na sa aspeto ng kalakalang panlabas. Pinangunahan ng mga Ingles ang pagluwas ng mga produktong Europeo. Ang mga gawaing ito ay nasa kamay ng mga merchant houses tulad ng Smith, Bell & Co., Ker & Co., Loney & Co. na matatagpuan sa Pilipinas
Nangibabaw ang mga Ingles sa aspetong pang-ekonomiya sa kabila ng katunayang ang Pilipinas ay kolonya ng Espanya.
Tapnu Rumang-ay Bassit: Ang Pandarayuhang Ilokano sa Moncada, Tarlac, 1860-1998 ni Ginang Jely A. Galang.
Malinaw na pangkabuhayang salik ang naging dahilan upang ang kanilang mga magulang at ninuno ay magtungo sa hilagang Tarlac. (“kaya’t da met iti rumang-ay bassit”- nais din ng kanilang mga magulang na guminhawa nang kaunti kaya’t pinagpasyahan nilang mandayuhan;rang-ay (pag-unlad o pagginhawa) na ito ay nakamtan nila sa pamamagitan ng pagmamay-ari ng mga lupaing sakahan sa hilagang Tarlac. Ang pag-aari ng malalawak at angkop na mga lupaing masasakang kanilang natagpuan dito ay hindi nila tinamasa sa lugar ng kanilang kapanganakan sa Badoc, Ilocos Norte na batay nga sa mga datos ng mga prayle at administrador na Espanyol at Amerikano ay “mabato, mabuhangin at mabundok”.
Dagdag pa dito ang pagpapahalaga sa puli o kamag-anakan ang instrumento ng mga migrante upang tulungan ang mga bagong migranteng nais ding makapagmay-ari ng mga lupain sa pamamagitan ng sugpon o pakikipisan. Hindi itinuturing ng mga naunang migrante na kaiba ang mga bagong dating bagkus bahagi pa nga o ka-puli nila ang mga ito na kailangang tulungan.
Sa huli, sa taong 1918 nang legal nang napagmayarian ng mga migrante sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga titulo ang kanilang mga lupain batay sa batas homesteading na ipinatutupad ng mga Amerikano noong 1903.
“Daynamiks ng Pangingibangbayan ng mga Piling Pamilya mula sa Isla Verde,
Ayon kay G. Realingo ang Isla Verde ay apektado ng mga pagbabago ng sistemang panlipunan bunga ng pagsulong at pag-unlad ng bansa sa kabuoan. Ang patuloy na galaw ng pangingibang-bayan ng mga mamamayan nito ay nagiging dahilan ng pagliit ng populasyon at nagdudulot ng halos kawalangpansin ng pamahalaan.
Dagdag pa niya maraming salik ang nagtutulak sa pangingibang-bayan tulad ng mga kalagayang pangkabuhayan, pang-edukasyon, pampamilya at pangheograpiko at ang lahat ng ito ay magkakaugnay at tulong-tulong na nagtataboy sa mga mamamayan na may kakayahang mangibang-bayan.
Samantala, ang kakayahan ng mga pamilya sa pangingibang-bayan ay nakabatay sa kanilang kalagayang pangkabuhayan. Kung ang isang pamilya ay kulang ang kakayahang tustusan ang pangangailangan ng mga kasapi na umaalis, hindi sila magkakaroon ng lakas ng loob na mangibang-bayan.
Bukod pa dito, sa proseso ng pangingibang-bayan, ang mga naunang umalis ang nagbibigay-daan sa pampamilyang migrasyon. Nagkakaroon sila ng sapat na kaalaman at kasanayan sa proseso at sa lugar na kanilang nilipatan bagay na nagbubukas ng daan para sa mga sususunod pang mga kapamilya at mga kaanak. Sa proseso ring ito, ang naunang umalis ay ang nagbibigay ng pinansyal na tulong sa mga naiwan upang ang mga ito ay mabigyan din ng pagkakataong makasunod sa kanila at makapag-aral o di kaya’y makapagtrabaho.
Sa huli, ang pag-aaral na ito ay tumutugon sa konsepto ng pangingibangbayan para sa kabutihan ng sambahayan o ang tinatawag na “Household Migration Model” ni Mincer.
IKALAWANG ARAW
Rehab : 1946-1960 (Ang Pagbangong Pangkabuhayan Matapos ang Digmaan, Si Miguel Cuaderno at Ang Bangko Sentral ng Pilipinas) ni G. Lars Raymund C. Ubaldo, Ph d.
Ang presentasyon ay nag-umpisa sa ginampanan ni Miguel Cuaderno sa panahon ng pagbangong pangkabuhayan ng bansa. At ang karanasan ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa pagpapatatag ng kabuhayan at pananalapi. Masasalamin sa presentasyon ang implementasyon ng Rehabilitation Act mula 1946-1958, ang unang sampung taon ng Bangko Sentral ng Pilipinas 1949-1959 at ang panunungkulan ni Miguel Cuaderno bilang gubernador ng Bangko Sentral mula sa pagkakatatag nito noong 1949 hanggang sa kanyang pagreretiro noong 1960. Dagdag pa dito ang Ikatlong Republika ng Pilipinas(Roxas, Quirino, Magsaysay at Garcia) ang mga panahong ang mga nanunungkulan sa bansa ay pawang tagapagmana ng ekonomiyang nagsisimulang bumangon mula sa guhong digmaan. Sa kabuuan ay pagtatangka ng bansa na lumaya sa
Barquillos, Biscocho, Butterscotch: Ang Tradisyon ng Pagtitinapay bilang natatanging Kabuhayan sa Lungsod ng Iloilo ni G. Randy M. Madrid.
Naging pokus ng papel ang pagtatalakay sa tradisyon ng pagtitinapay sa lungsod ng
Nais ng papel na ipahayag ang paggamit ng tinapay bilang tekstong pangkalinangang pangkultural. Bukod pa na ang mga institusyon ng pagtitinapay bilang “lunduyan ng kaalaman at kapangyarihan”. ang pagtitinapay bilang usaping pangkabuhayan at pangkalinangan. At ang pagtitinapay sa kasaysayan at pagkakilanlan/ identidad ng pook.
Inilahad ni G. Madrid ang pinagmulan at ang kasaysayan ng barquillos, biscocho at butterscotch, at kung paano ang mga ito naging cultural artifacts na bahagi na ngayon ng tradisyon ng pagtitinapay sa lungsod ng
May limang (5) institusyong nagpasimuno at nagpasikat ng mga pampasalubong na ito na kinabibilangan ng Biscocho Haus, Panaderia de Molo, De Ocampo’s Barquillos, Wewins, at Molo Country Bakeshop. Naging mahalaga ang barquillos, bischocho, butterscotch bilang mga sikat na pagkaing pampasalubong sa Iloilo, ang naging papel ng mga ito sa pag-inog at pag-unlad ng kasaysayan ng pagtitinapay sa lungsod at ang naging ambag nito sa pag-uswag ng pamumuhay ng mga Ilonggo bilang natatanging kabuhayan at negosyo at sikat na mga cultural artifacts sa gawaing pang-turismo.
Paglalagom
Paglalatag at pagpapalakas ng tatak/ dangal Ilonggo, daloy ng kasaysayan at kulturang material, elemento ng “functionality at continuity” at “task memories” at “food on the Road”
DIKATUN: Ang Pangangalakal sa Daloy ng Kamalayan ng mga Bonifacio sa Masantol, Pampanga ni G. Joel S. Regala
Ang pagkakaroon ng kulturang katubigan ng mga taga-Masantol, Pampanga (bilang malapit sa Ilog Pampanga) ay humulma sa kanilang kaalaman bilang magdikatuno mangangalakal at biyahero. At sa ganitong konteksto hinuhugot at dumadaloy ang paglalayag ng mga Kapampangan, kasama na ang mga Bonifacio (na taal na taga-Masantol) upang tuklasin ang isang bukas at nakakaakit na daungan katulad ang isang bukas at nakakaakit na daungan katulad ng Tondo. Hinabi din ng presentasyon ang pangkabuhayang paggalaw ng (maaaring) pagkakaugnay ng usaping mag-uugat at pasalitang kasaysayan. Sa huli, napag-alaman nasa Masantol, ay hindi makilala kung kaano-ano nila si Bomifacio samantala sa Tondo sinasabing kamag-anak nila si Bonifacio pero hindi “maclaim” mapatunayan ng mga tamang documento.
Pag-iimpok at Puhunang Pangkabuhayan sa Batanes 1946- Kasalukuyan ni G. Mr. Christian M. Narito
Tinalakay ang buod ng mga isinagawang pananaliksik ukol sa ginhawa, pamilya, at puhunang pangkabuhayan mula pa noong 2004 sa Batanes.
Batanes Protected Landscapes & Seascapes isang natural sites, may matabang na lupa bulkaniko na mayroon sa ibabaw ng “coral limestone base” ito ang mga paunang paglalarawan ni G. Narito patungkol sa Batanes. Dagdag pa niya ang pamaraan ng pag-iimpok ng mga taga Batanes, pag-iimpok na hindi pampananalapi (non-monetary) sapagkat ito’y tungkol sa mga pagkain at sistema ng pagtutulungan. Sa halip na mag-impok sa mga bangko ang kanilang pera ay nasa baka/baboy.
Yaru o gawaing pangkomunidad pahunan/ pi xuan o samasamang pagtatanim ng anumang nakaplanong pananim ang ilan sa mga aktibidad sa Batanes sa pang-aaraw-araw lalong lalo na pagkatapos ng bagyo.
“Tatak Pinoy: Pasajero Sosyal at Patoo Wheel, Gaano nga ba ka Sosyal ang Dating?” ni G. James Mozart A. Amsua
Ipinakita ng presentasyon ang pag-usbong ng insustriya ng dyip, ang pag-uswag ng kabuhayan ng bawat pamilya. Bukod dito ang makapaglahad ng iba’t ibang uri ng disenyo sa paggawa at tinukoy niya ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga disenyo ng jep.
Sa kasalukuyan, ang industriya ng sasakyang panlupa, lalo na ang dyip na gawang Pinoy ay nanganganib nang mawala sa kanyang katayuan. Ito ay dahil na rin sa malawak na importasyon ng mga magagarang kotse at komportableng sasakyang panlupa mula sa ibang bansa na patuloy nakikipagkompetensya sa mga gawang Pinoy. Ang mga malalaking pagawaan ng dyip ay nalulugi o di kaya ay gumagawa na lang ng ibang produkto na mabili at mabilis maubos. Ang mga pangunahing pagawaan ng dyip ay makikita sa lalawigan ng Cebu, Las Pinas at Cavite, subalit, sa takbo ng pandaigdigang krisis at sa pagbagsak ng negosyong local, marami sa mga maliliit na industriya na gumagawa ay nawala o tumigil na. Ilan sa mga natutunan sa pag-aaral na ito ang kakayahan ng mga local na manggagawa sa pagbuo ng mahusay na produkto
Sa huli mahalaga para sa kanila ang kaalaman sa pagpapalawak ng kanilang negosyong auto-industry.
IKATLONG ARAW
Ang Mandarayuhan Bilang Sentral sa Pagbabago ng Lipunan: Ang Kabuhayan ng Gitnang Mindanao sa Panahong Kolonyal at Post-Kolonyal ni Gng. Faina A. Ulindag
Sinumulan ang presentasyon sa napakahalagang tala kung saan ang Mindanao ay pumapang-apat na probinsya na pinakahuli sa Human Development Index sa buong Pilipinas.
Ang kabuhayang pre-kolonyal sa panahon ng mga alipin kung saan ay ang kristyanong pandarayuhan sa Gitnang Mindanao ang namamayani. Noong 1861 nang ang Cotabato ay nasakop ng mga Kastila, ang mga naging “agricultural colonies” ay sa Tamotaka Mission ng mga Heswita sa Cotabato, samantala ang mga Amerikano ay nagkaroon ng pito hanggang labingtatlong “agricultural colonies” sa Hilaga at sentral Cotabato.
Sa panahon ng komonwelt nagkaroon ng “National Land Settlement Administration” ni Gen. Paulino
Ipinakita ng presentasyon ang mga konkretong pagbabagong dulot ng pandarayuhan, pinaghambing ang mga nangyari sa panahon ng kolonyalistang Amerikano at sa panahon ng mga Pilipino (komonwelt at unang dekada ng Republika).
Sa huli,sagutin ng papel na ito ang isyu kung tama bang sabihing “internal colonialism” ang nangyari sa
Ang Gitnang Mindanao, particular ang probinsya ng Cotabato at Lanao ay rehiyong pinili para magbigay ng solusyon sa kakulangan ng bigas at mais sa bansa sa pagbubukas nito bilang lupaing akma sa masaganang produktong agricultural.
“Pangkabuhayang Pagkaing Maranao: Noon at Ngayon ni Gng.
Isinaysay ng presentasyon kung ano ang naging kalagayan ng lipunang Maranao. Sila ay may sariling tradisyon, kaugalian, at kabuhayan na nakatali sa kanilang kultura. Ang ilan sa mga ito ay tinawag na kyuning, randang, at tiatery. Sa kabuuan inilahad ni Gng. Marinay ang mga piling pagkaing Maranao, mga okasyon kung kalian inihahain ang mga pagkaing binabanggit sa itaas, ang mahalagang papel na ginampanan ng mga Maranao sa kabuhayan ng mga Maranao sa kasalukuyan.
Kultihan sa Meykawayan ni G. Marlon O. Maglipas
Sa pagtuklas ng “Industriya ng Pagkukulti” na tanging sa Maykawayan lamang nagsimula at patuloy na matatagpuan, ay masasabi ring nagdudulot upang makilala ang bayan sa ganitong klase ng pangangalakal. Ang industriya ng pagkukulti ng balat ng hayop ang isang mahalagang bagay na naiambag ng bayang Meykawayan sa ating kasaysayan.
Sinasabing nagsimula ang industriya ng kultihan noong 1810-1910. Ang pagkukulti ay dinala ng mga Tsino noong 1850. Sa kabilang banda ang Meycawayan ay naging isang pinakamaduming ilog sa buong mundo. Noong 1910-1945 noong panahon ng mga Amerikano, nagkaroon ng pangangailangan para sa mga sapatos ng sundalong Amerikanong makikipagdigma sa mga kastila.
Ninais ng mga tao na itaas ang antas ng mga kulting produckto hanggang sa itinatag ang Bureau of Animal Industry noong 1932 kung saan ang mga makina ang magpapabilis sa pagkukulti sa tulong ng mga Amerikano. Umunlad ang pagkukulti sapagkat sa Pilipinas ang materyales tulad ng apog, camtchile, halamang ambiong, veg-tanning ay matatagpuan.
Gayunpaman ang mga hamon sa negosyong ito ay ang pagkawasak nito dahil sa Japanese War, at pagdagdag ng mga angkat ng mga produktong balat.
Ipinakita ng pag-aaral na ito na di lamang sa mga punong kawayan kilala ang bayan ng Meykawayan, kundi sa industriya ng pagkukulti ng balat rin. Mabilis ang pag-unlad ng industriya bagamat mahina ang suporta ng pamahalaan sa ganitong klase ng pangangalakal.
Ang Bataan Economic Zone at ang mga Kababaihang Manggawa nito (1970-2008)” ni Kristyl N. Ubispado
Ang pag-aaral ay sumususi sa naging kalagyan ng mga manggagawa, particular ng mga kababaihan, ng Bataan Economic Zones sa nakaraang tatlumpung taon (1970-2008). Sa harap ng kumpetisyon sa iba pang export processing zone sa daigdig, ang mga manggagawang ito ay naging mangagawang global sa proseso ng produksyon at mismong produktong pambenta sa pandaigdigang pamilihan sa uri ng paglalakong ginagawa ng Pamahalaan : nagsasalita ng wikang Ingles, mababang sahod at mabilis sanayin.
Ang EPZ ay isang industriyang nakaangkla sa pagluluwas at kung gayon, sa dami ng mga dayuhang kumpanyang namumuhunan dito. Upang makahikayat ang mga dayuhan, iniaalok ng Pamahalaan (magmula sa Administrasyong Marcos) ang mga manggagawang Pilipino bilang mababang pasahurin sa kabila ng metikulosong trabaho.Nang panahong ito, “pinaboran” ng mga pangangailangang ito ang kababaihan.
PERA SA BATO: Isang Pagsilip sa Industriyang Marmol sa Romblon ni
Kristoffer R. Esquejo
Tumatalakay ang pag-aaral sa naging kasaysayan ng pag-usbong, paghina at muling pagbangon ng industriya ng marmol sa Romblon. Sinulyapan din ang pagpasok ng makabagong teknolohiya sa mga hakbang ng pagmina, paghulma at paglilok. Isasama din ang pagbanggit ng iba’t ibang produktong nalilikha mula sa isang blokeng marmol.
Ang marmol, tinatawag na “bato” ng mga Romblomanon, ay isang yamang mineral na karaniwang makikita sa lalawigan at naiipon sa isla ng Romblon. Nang dumalaw si Jose Rizal sa nasabing lugar, kanyang personal na naaninag ang natatagong dami ng marmol sa mga burol nito. Nagsimula lamang matuklasan ang potensyal ng industriya ng marmol sa Romblon ilang taon bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Bagamat yumabong at nakatulong ng malaki sa kabuhayan at pagkakakilanlan ng mga Romblomanon, ito ay humina hanggang sa kasalukuyan dahil sa ilang mga salik at kaganapan tulad ng mga inaangkat na “tiles” mula sa ibang bansa.
Si Dioscoro L. Umali (1917-1992) at ang UP Kolehiyo ng Agrikultura (1959-1969) ni Janet S. Reguindin
Si Dioscoro L. Umali ay ginawaran bilang Pambannsang Siyentista ng Pangulong Corazon C. Aquino
Ibinahagi ni Gng. Reguindin ang talambuhay ng Pambansang Siyentistang si DL Umali kanyang binigyang diin ang mga naging pananaliksik at ang mga naging ambag ni DL sa sector ng agrikultura sa bansa at gayundin inilahad niya ang uri ng pamumunong kaniyang ipinakita sa UP Kolehiyo ng Agrikultura. Sinuri ng papel na ito ang mga kontrabersiyang iniugnay sa sinasabing “magarbo”at “maluhong” proyekto ni DL Umali sa kolehiyo at ang naging epekto nito sa kabuuang kalagayan ng ekonomiya ng bansa. Dagdag p dito ang isyu ng malakas na neokolonyalismong Estados Unidos kaugnay ng mga programa ni DL Umali sa UP Kolehiyo ng Agrikultura.
“Patadyong Bilang Saplot ng Katawan at Batayan ng Kaginhawahan” ni Alberto T. Paala Jr.
Ayon kay G. Paalala, sa lalawigan ng Antique, nakabuo rin ang mga mamamayan nito ng sariling pagkakilanlan. Ito ay ang industriya ng patadyong na matatagpuan sa Bagtason Bugasong Antique. Sa loob ng matagal ng panahon hindi nawawala ang paghahabi sa nasabing lugar. Nagpapatunay lamang ito na ang patadyong ay hindi lang pagpapakita ng sining ng mga Antiqueno sa halip ito rin ay nagsilbing kabuhayan na nagbibigay ng maayos na buhay.
Ang pagpapatuloy ng industriya ng patadyong sa Bagtason Bugasong Antique ay nagpapatunay na ito ay hindi lamang simbolo ng sining sa halip ito ay pinagkukunan din ng ginhawa ng mga mamamayan nito. Sa patuloy na pag-usbong ng nasabing industriya mapapansin natin na kinatawanan na nito ang buong lalawigan sa aspektong pangkalinangan at pang-ekonomikal.
Dahil sa industriyang ito, unti unti naikalat ang sining ng Antique. At hindi maikakaila na inaangat nito ang tingin ng mga Antiqueno sa kanilang sarili. Naging simbolo na ito ng ugnayan ng mga Antiqueno sa loob at labas ng lalawigan. Ibig sabihin inaangat nito ang dungug (dangal) ng mga mamamayan ng probinsya. Malaking bagay ito sapagkat sa pagmamahal sa bayan, kailangan ang mga bagay na pwedeng ipagmalaki at isa na rito ang patadyong.
Mahalaga rin ang papel na ginagampanan ng mga kababaihan sa industriya ng patadyong. Sa halos 43 na miyembro ng asosasyon isa lang dito ang lalake. Nagpapakita lamang ito na hindi nagpapahuli ang mga babae kung ang pag-uusapan ay kabuhayan. Nariyan sila, nagsisikap upang makatulong sa kanilang pamilya. Dahil dito hindi lang sila naging mabuting ina ng pamilya, sa halip pinapatunayan din nila na mayroon silang magagawa para maging maayos ang lipunan.
Dagdag pa rito, hindi maikakaila na naipasa ng mga kababaihang ito ang kanilang kaalaman sa paghahabi sa kanilang mga anak na siyang susunod na magpapatuloy ng kinagisnang gawain. Dahil dito naging mas maayos rin ang relasyon ng pamilya dahil ang paghahabi ay maaari rin gawin ng buong pamilya. Dagdag pa rito, hindi nasasayang ang oras sa ibang walang kabuluhang gawain at nagkaroon ng mas nagkakaisang pamilya.
Nababatid natin na hindi madali ang proseso at paghagilap ng mga materyales sa paggawa ng patadyong noong unang panahon. Ngunit, kapansin pansin dito na ang mga materyales na ginamit tulad halimbawa ng kasla bilang pangkulay ay likas sa lugar ng Bagtason sapagkat laganap ito sa kabundukan. Ibig sabihin, ang patadyong ay bunga ng imahinasyon ng mga mamamayan ng Bagtason at likas na yaman nito upang makalikha ng sariling damit. Sa paglikha ng damit doon nila pinapakita ang kanilang pagiging malikhain at kung paano nila nililinang ang kapaligiran upang magkaroon ng ginhawa o maayos na buhay.
Sa kabila ng mahirap na proseso at daming problemang dinaanan nagsumikap pa rin ang mga manghahabi sa Bagtason upang ipagpatuloy ang kinagisnang kultura. Napatunayan nila ito nang maitayo nila ang Bagtason Loom Weavers Association na naging daan upang maging mas matatag pa ang kanilang samahan at mas makilala sa ibang lugar. Makikita ito sa kanilang pagsali sa iba’t ibang paligsahan at sa katunayan ay nakauwi rin ng parangal. Nagpapatunay lang ito na hanggat may pangarap, nagsusumikap at nagkakaisa magkakaroon ng kaunlaran.
Hindi rin natin maikakaila na ang pagkaroon ng asosasyon ay naging dahilan upang mas maraming mamamayan ang nabigyan ng trabaho. Ito rin ay nagbigay daan upang magkaroon sila ng pagkakataon upang matustusan ang kanilang mga anak sa pag-aral sa kolehiyo. Isang karangalan na makatapos sa pag-aaral na mula sa isang malinis na trabaho tulad ng paghahabi ng patadyong. Dalawang ang tulong dito sa pamilya at pag-angat ng kulturang Antiqueno.
Ang mga tulong na dumating ay nagpapatunay lamang na nagtitiwala ang mga institusyong na ang adhikain ng Bagtason Loom Weavers Association ay tungo sa maayos na buhay, ikaaangat ng dangal at makapagbigay ng ginhawa sa mga mamamayan ng Bagtason at maging ng Antique sa kabuuan.
MAKABAGONG EMILIO JACINTO: Ginhawa, Liwanag, Dilim at Iba pang Dalumat ng Bayan at Katipunan sa mga Awitin ni Francis Magalona nina Michael Charleston B. Chua at Alvin D. Campomanes
Sa pag-aaral ni Ginoong Chua st Campomanes napatunayan nila na inangkin (appropriate) ni Francis M. ang isang banyagang porma ng musika, at inangkop ang mensahe at wika nito sa kondisyong Pilipino. Dahil dito, naging epektibo siya sa kanyang pakikipagtalastasan sa bayan at tinangkilik siya ng husto. Isang aral sa mga nagnanais magpakalat ng ideya.
Dagdag pa dito marami sa kanyang mga awitin, tulad ng “Mga Kababayan Ko” at “Ito ang Gusto Ko” ay nakasulat sa wika ng bansa at kinakausap ang mga Pilipino, ukol sa mga bagay na may saysay sa kanila. Dahil sa malinaw na sagot sa tanong na “
At tulad ni Andres Bonifacio, ang mga ideya ni Francis M. ay kanyang ibinatay sa kasaysayan at kalinangan. Wala nang titibay pa sa kahit anong mensahe o ideya na ang dalawang ito ay isinasaalang-alang.
Bukod dito walang kaduda-duda sa kanyang pagkamakaBAYAN. Para sa kanya, hindi baduy at hindi bakya ang ipaalala sa Lahing Kayumanggi ang kanyang kadakilaan.
Sa mga awitin ni Francis M. una naming natutunan ng klaro ang kadakilaan ng aming mga sarili bilang Pilipino. Tulad ng Katipunan, konsistent ang mensahe niya ng pagmamahal at pagtatanghal sa bayan at bandila. At bilang nagpaalala ng kadakilaan ng mga Pilipino, at nagpaalab ng apoy ng pagkamakabayan sa kapwa mayaman at mahirap, elit at bayan, hinding hindi na siya mamatay sa Kasaysayan! Sa marami, para na siyang si Rizal, simbolo ng pagka-Pilipino. Hindi na masama, sa isang mang-aawit na nagdeklarang, “Idol Ko si Rizal.” Sa huli, kung talagang susuriin, hindi kalabisan na ituring din siyang isang “Makabagong Emilio Jacinto.”
Buod
Sa kasalukuyang panahon kung saan sinasabing bagsak ang ekonomiya ng ilang mga bansa lalo’t higit ang mga dating pinakamayaman sa buong mundo. Ang pagbagsak ng mga sikat ng bangko na mahigit ng isang daong taon ang operasyon, napapanahong talakayin sa isang kumperensya ang Kasaysayan at Sining ng Kabuhayang Pinoy.
Ang interes na hanapin sa kasaysayan ang mga problemang kinakaharap natin ngayon, ay ang sagot sa napakatanda ngunit napakahalagang tanong: ano ang mga sanhi ng pag-asensong materyal ng ibang lipunan, habang ang iba’y nababalam o nalulugmok sa kahirapan? Ang popular na kasagutan ay teknolohiya, populasyon, pormal na batas, di- pormal na tuntunin at asal, at mga uri ng organisasyonng pulitikal.
Sa kabila ng mga salik na ito na pangkalahatang maituturing marapat lamang na alalahanin pa rin natin ang mga natatanging pag-aaral sa ilang kabuhayan ng mga Pilipino upang mas maayos nating mailapat ang mga ito sa kasalukuyang hamon sa ating bansa.
Inilarawan ng mga mananaliksik ang ebolusyon kung paanong ang mga produktong Pilipino ay nakatulong at naging bahagi ng kabuhayan ng mga Pilipino noon at ngayon.
Ang pag-sasaliksik sa pagusbong, paghina o pag-unlad ng Pasajero sosyal at Patoto wheel;barquillos, biscocho, at butterscotch; mga pagkaing Maranao tulad ng kyuning, randang, tiatery; patagyong; industriya ng marmol at industriya ng pagkukulti ay napakahalagang balikan. Ang kasaysayan ng agrikultura sa Pilipinas na tumitingin sa baybay-dagat ni G. Veneracion ay nagpapakita ng proseso ng pangisdaan na nasa pamamahala ng katutubong nobilidad at ang mga patakaran ng mga confradia samantalang ang katutubong nobilidad ay binigyan ng fuero“ay mga usaping napaka-interesante. Samantala, patikular na tiningnan sa pag-aaral ni G. Pagusan ang pangunguna ng mga Ingles ang pagluluwas ng mga lokal na cash-crop at ang pag-aangkat ng mga produktong Europeo. Ang pangingibabaw ng mga Ingles sa aspetong pang-ekonomiya sa kabila ng katunayang ang Pilipinas ang kolonya ng Espanya ay makabuluhan sa presentasyon ni G. Llanes. Higit sa lahat ang pagpapaalala ni G. Narito sa kahalagahan ng impormal at pormal na pag-iimpok upang matamo ang „kahilamnayan“ o ginhawa ng bayan ay maaring maging sagot sa problemang pinansyal ng mga tao.
Samantala, sa pag-aaral ni Bb. Obispado na may pamagat na “Ang Bataan Economic Zone at ang mga Kababaihang Manggawa nito” mahalagang papel na ginagampanan ng mga kababaihang manggawa ang kanyang binigyang diin. Tulad ng sa EPZ ang tulong ng mga kababaihan sa pagpapaunlad ng patadyong sa Antique ay hindi rin matatawaran.
Sa pag-aaral ni Bb. Reguindin nakilala ang isang Dioscoro L. Umali (1917-1992) at ang UP Kolehiyo ng Agrikultura (1959-1969).At kaniyang mga naging pananaliksik at ang mga naging ambag sa sector ng agrikultura sa bansa at gayundinang uri ng pamumunong kaniyang ipinakita sa UP Kolehiyo ng Agrikultura. At si Miguel Cuadermo sa pag-aaral ni G. Ubaldo na nanungkulan bilang Gubernador ng Bangko Sentral mula sa pagkakatatag nito noong 1949 hanggang sa kanyang pagreretiro noong 1960. Mga panahon ng Ikatlong Republika ng Pilipinas(Roxas, Quirino, Magsaysay at Garcia) ang mga panahong ang mga nanunungkulan sa bansa ay pawang tagapagmana ng ekonomiyang nagsisimulang bumangon mula sa guhong digmaan. Sa kabuuan ay pagtatangka ng bansa na lumaya sa U.S. ay hindi nangyari dahil ang Pilipinas ay biktima ng digmaan kaya’t kailangan nating mamalimos sa United States.Sa huli masasalamin na ang mga taong nabanggit ay may sariling kontribusyon sa kabuhayan ng mga Pinoy.
Pangkabuhayang salik ang pangunahing dahilan ng mga pandarayuhan sa sa pag-aaral nina Gng. Jely Galang, G. Realingo at Gng. Ulindag. Ang nasabiing pandarayuhan ay naganap sa Ilocos, Isla Verde Batangas, at Gitnang Mindanao.
Sa larangan naman ng ‘sining ang katanungang matutumbasan ba ng salapi ang pamanang kultural dito sa ating bansa ? ang mga bagay na nais sagutin ng kaso ng Parisian Life ni Juan Luna at ang kabuhayang nakalarawan sa sining bilang paksa sa koleksyon at eksibisyon ng GSIS Museo. Ilan sa nga likhang guhit na pumapaksa sa kabuhayan ay ang mga sumusunod : Under the Mango tree, Ricefield, Tindahan, Oracion, Sunset at tinikling ni G. Amorsolo ; Bayanihan, Fish Vendor, Barong barong, Man in Industry ni Manansala ; Mission Accomplished, Break of Day, ni HR Ocampo, gayundin ang ilan pang likha nina Baldemor, Barcelona, Belleza, at iba pa.
Konklusyon
Naging produktibo at makabuluhan ang pagdalo sa nasabing kumperensya. Ang kumperensya ay sumagot sa mga tanung sa aking isipan katulad ng kung bakit hindi pa rin lubusang maunlad ang bansa kumpara sa ibang bansa na dating kapareho lamang ng katayuan noon. Ang mga paliwanag at paniniwalang hiram lamang natin ang mga sistemang meron sa Pilipinas kumpara sa mga sistemang bunga ng experensya na inilahad ng mga tagapagsalita ang maaaring naging sagot.